Bukod sa mga ‘di pa nasisilip na mga storya at pelikula, isa sa proud ang Viva ay ang roster ng artists nito na game sa roles na out of their comfort zones.
‘Di naman maalis ang mga movie genres kung saan ang mga ito sumikat, pero sa mga nakaraang taon, napanood natin ang ilang Viva celebs putting their acting skills to the test! Alamin kung sino-sino sila at anong mga pelikula ito below:
Janno Gibbs
Kantahan o tawanan okay ang singer na si Janno diyan! Kaya nga nito ipagsabay pa iyon, kaya may halong tuwa at gulat na isa ito sa bida ng upcoming sexy-comedy film ni Darryl Yap na “69+1”!
View this post on Instagram
Kim Molina
Kung comedy lang ang usapan, kahit pa may drama o iyakan game si Kim Molina diyan! Kaya nakakagulat nang nag-venture din ito sa sexy comedy. Ang 2019 “Momol Nights” sa direkyon ni Benedict Mique.
Jerald Napoles
Tulad ni Kim, kilalang-kialal na si Jerald sa comedic movies, at tulad din nito sumubok na siya sa ibang genre. This year lang isa ito sa cast ng “Kaka” na directed by GB Sampedro.
Cristine Reyes
Versatile din si Cristine sa mga pelikula! Kaya naman check na check sa bucketlist nito ang 2019 action-packed movie na “Maria” sa direksyon ni Pedring Lopez.
Anne Curtis
Ang Dyosa at National Sweetheart na si Anne winaglit sandali ang sweetness niya para maging action star sa 2018 hit film ni Erik Matti na “Buy Bust”
Sarah Geronimo
Ang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo, proved she doesn’t need a leading man para magkaroon ng blockbuster! Noong 2019 kasi, umarte ito bilang isang mapagmahal na apo mayroong autism sa “Unforgettable” sa direksyo ni Jun Robles Lana at Perci Intalan.
Andi Eigenmann
Andi has tried to do it all! Romance, drama, comedy, pati na horror! Kaya talaga nilagay niya ang sarili sa ‘di nakasanaya ng makasama siya sa cast ng indie film na Ma’ Rosa noong 2016 sa direksyon ni Brillante Mendoza.
For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on Facebook, Twitter, and Instagram.
Check out other stories:
- ‘CuBao’ ‘KyBert’ ‘KimJe’ at Iba Pang Kaabang-Abang Na Tambalan Soon Sa Viva!
- Popular ’90s films Na Kung Naabutan Mo—Mag-Asawa Kana!
- Makakanood Ka Ng #Pornstar Sa Halagang P149 Sa Vivamax!
Facebook Comments