Kahit ang Asia’s Songbird Regine Velasquez ay pinakita ang kaniyang suporta kay Popstar Royalty Sarah G sa paparating na film concert nito!

Sa kaniyang Instagram account, ay ni-reshare ni Regine ang official poster ng concert.

Ginawa ito ni Regine sa gitna ng sariling promotions para sa kaniyang sariling online concert ngayong buwan, ang “Freedom: The Regine Velasquez Valentine Digital Concert”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

“This is it guys!!!!! @justsarahg #Tala ❤️❤️❤️” sulat ni Regine sa post.

Hindi lang ito ang ginawa ng Songbird. Nag-plug pa ito sa isang online show!

“Si Ate Sarah niyo mag-ko-concert. Naglabas na ng official announcement. Gumora na kayo!” say ni Regine.

Huling nagkasama si Regine at Sarah sa “UNIFIED” concert noong 2019.

Queen supporting queens indeed!

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments