Kilala sina Andrew E, Janno Gibbs, at Dennis Padilla bilang 90’s iconic trio na bumida sa mga comedy films tulad ng “Si Mokong, Si Astig, at Si Gamol”, “Row 4 Baliktorians”, “Alabang Girls” at ibang mga proyektong talaga namang nagpatawa at hangang ngayon ay nagpapa-hagalpak padin sa kanilang mga fans!

Ngayon, nagbabalik ang trio para sa kanilang latest movie offering na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo”, kung saan mayroong special role ang late actor na si Eddie Garcia.

Sa mga nauna nilang interviews, sinabi ng trio na gusto nilang maipakita sa millennial audience kung ano ang old-school type of comedy na hindi na madalas ginagawa ngayon.

Excited ka na ba para sa pagbabalik ng mga gamols on the big screen? Hindi mo na kailangang maghintay ng matagal dahil sa September 4 ay ipapalabas na ito sa mga sinehan!

Dinaluhan naman ng fans at supporters ang premiere night ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” na ginanap kagabi!

Silipin ang mga kaganapan below:

 

Makakakasama rin nina Andrew E., Janno Gibbs, at Dennis Padilla sa pelikulang ito ang nagagandahang leading ladies na sina Cindy Miranda, Louise Delos Reyes, Debbie Garcia, at Zarah Tolentino.

Showing na bukas, September 4, ang comedy movie event ng taon na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” sa mga sinehan nationwide! Kitakits!

Panoorin ang trailer below:

Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo FULL TRAILER [In cinemas September 4]

Nagbabalik ang tatlong gamol! Inihahandog ng Viva Films ang isang Triple Treat Comedy film – Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo starring Andrew E., Dennis Padilla and Janno Gibbs with Mr. Eddie Garcia in a very special role! Directed by Al Tantay and also starring Louise delos Reyes, Cindy Miranda, Zarah Tolentino, Debbie Garcia, and Vanessa Wright! Opens on September 4 in cinemas nationwide.

Posted by VIVA Films on Friday, August 9, 2019

Facebook Comments