Popster mosangs attack!

Ang dami talaga ng ganap ngayon sa mundo ng showbiz! Sunod-sunod ang mga expose stories at iba pang nakakagulat na ganap ng mga sikat. Kaya naman aktibong-aktibon ang mga “mosang” o mga “tsimosa” ng internet.

Sigurado, isa sa mga inaantamabayan ng mga ito ang announcement ng muling pagtatanghal ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa entablado!

Sa malaking announcement noon ng Viva, kinupirma ng media giant na bago pumasok ang bansa sa 2022, mayroon muling Sarah Geronimo concert na mapapanood!

“Tuloy-tuloy yan, I think we have four or lined up ’til the next 6 months. May Sarah pa kami!” Viva Entertainment President and COO Vincent del Rosario.

Simula ng announcement na ito naka-antabay na ang mga mosang na Popsters sa kung anumang updates tungkol sa concert.

May update nga itong spotted recently lang!

Tungkol ito sa raffle promo ng Grab Philippines, kung saan ambassador ang Popster. Ayon sa report, magpapamigay ang P250,000 worth of GrabPay at VIP tickets!

“Fully vaccinated individuals have a chance to win promo codes and “big-ticket” prizes including P250,000 worth of GrabPay credits and VIP tickets to see its ambassador Sarah Geronimo in concert…” say sa report ng ABS-CBN.

Ito ang mismong contest kung saan quick na pinakita ng star na alive alive ang live vocals niya!

SEE MORE: Sarah Geronimo, Lowkey Pinaramdam Na Wala Siyang Kupas!

Kaya ang concert na ‘to sooner than everyone thinks na talaga. Handa-handa na Popsters!

For more updates about Sarah Geronimo and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments