Ni-release na nitong August 16 ang official music video para sa theme ng upcoming movie na “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” , na reunion project nina Andrew E, Janno Gibbs, at Dennis Padilla.

(c) vivarecords

Isinulat at kinanta nina Andrew E. at Janno Gibbs ang theme song ng pelikula at mapapanood ang iconic trio sa nasabing music video.

(c) vivaentertainment

Pinaghalong rap at R&B ang kanta na masayang nagiimbita sa mga manonood at siguradong aabangan ito lalo na ng mga batang 90’s!

 

Mayroon ding special participation sa proyekto ang late actor na si Eddie Garcia, na kamakailan ay pinarangalan ng ICON award sa ginanap na first ever Viva Con.

Maliban sa lead cast, mapapanood din sa pelikula sina Louise delos Reyes, Cindy Miranda, Zarah Tolentino, Debbie Garcia, at Vanessa Wright.

Ipapalabas na ang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo sa mga sinehan, directed by Al Tantay, sa darating na September 4.

 

Silipin ang official music video dito!

Sanggano, Sanggago't Sanggwapo – Andrew E. feat. Janno Gibbs MV TEASER

Watch the "Sanggano, Sanggago't Sanggwapo" music video by Andrew E. feat. Janno Gibbs, theme song for the upcoming film #SangganoSanggagotSanggwapo <3Watch the full video here: https://youtu.be/9ltHIK1rJfA

Posted by Viva Records on Friday, August 16, 2019

Facebook Comments