@andieigengirl/Instagram

Marami sa mga netizens ang muling napahanga ni Andi Eigenmann for having a simple but happy and contented family. 

Happy Islanders/Youtube
Happy Islanders/Youtube

Sa kaniyang latest vlog kasi, ipinasilip ni Andi ang kanilang simple anniversary date ni Philmar Alipayo nang magtungo ang mga ito sa Bali, Indonesia kasama ang kanilang tatlong bagets na sina Ellie, Lilo at Koa. 

Bagama’t simple, itinuturing ito ng aktres na “best anniversary date ever” nila ni Philmar dahil kumpleto silang buong pamilya sa nasabing out-of-the-country trip. 

Sa isang bahagi ng nasabing vlog, makikita sina Anti at Philmar na kumakain ng ice cream at mais kasama ang kanilang mga anak. Napaka-simple ngunit bakas sa mga mata ni Andi ang labis na tuwa at kasiyahan na siyang hinangaan ng mga netizens sa kaniya. 

Happy Islanders/Youtube

Maliban sa masayang pag-iikot sa Bali, nag-enjoy din sina Andi at Philmar sa kanilang pagwo-workout upang panatilihin na fit and healthy ang kanilang mga katawan. 

@andieigengirl/Instagram

Kamakailan lang nang magtungo sa Bali, Indonesia ang mag-anak ni Andi at kaagad namang naka-adapt sa environment ang kanilang mga kids dahil hindi naman nalalayo ang kanilang napuntahan sa kanilang buhay sa Siargao Island.

Maliban sa social media, also check out “Taralets” and “The Maid in London” ni Andi Eigenmann sa Vivamax. 

Check out other stories:

 

Facebook Comments