Maingay at mainit ngayon ang pangalan ng Viva sexy actress Aj Raval lalong-lalo na social media.

Si Aj kasabay ng mga bagong henerasyon ng sexy actresses ngayon ang bumibida sa sunod-sunod na sexy films ng Viva sa sarili nitong streaming platform ang Vivamax.

Na-capture kasi ng innocent face at sexy bod ni Aj ang atensyon ng karamihan sa pagbida niya sa “Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar” at ang kaniyang lead film “Death Of A Girlfriend”.

Ngayon, sunod-sunod na ang mga pelikulang ng aktres na mapapanood ngayon sa platform tulad ng “Nerissa” at “TAYA”.

Kaya naman nakakaloka malaman na ang viral na pangalan nito ay ‘di pala totoo!

Sa recent online media con kasi para sa newest sexy group ng Viva ang “VMX Crush” ibinunyag ni Aj na tulad ng ibang artista, screen name lang ang pangalang kilala siya.

Elizabeth Buensuceso ang real name ni Aj! Ang screen name naman niya may ibig sabihin pa pala.

“Anak Ni Jeric” ang ibig sabihin ng “Aj” ng aktres. Ito din kasia ng madalas itawag sa kaniya bilang anak ng kilalang action star.

Kung ang aktres naman ang tatanungin, fit din ito sa kaniya dahil sa pangarap na maging action star.

“Honestly, I joined showbiz to become an action star, just like my father. But life has a different path for me, and so far, everything is doing fine.” dagdag ng aktres.

Mapapanood muli ang aktres soon sa “Shoot Shoot” starring Andrew E. October 8 sa Vivamax.

For more updates about Jela, Angeli, AJ, and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories

Facebook Comments