Excited na ang veteran actor na si Aga Muhlach na mapanood ng mga tao ang kanyang entry sa 45th Metro Manila Film Festival ‘Miracle in cell no.7’.

Ang pelikula ay Filipino remake ng hit 2013 South Korean film with the same title. Makakasama ni Aga sa pelikula ang child actress na si Xia Vigor, versatile actress Bela Padilla, at ang ilan sa pinaka-mahuhusay na aktor sa industriya na sina John Arcilla, Joel Torre, JC Santos, Mon Confiado, Jojit Lorenzo, and Soliman Cruz, with special participation of Tirso Cruz III.

Ang pelikula ay tungkol sa pagmamahal ng mag-ama. Gumaganap si Aga bilang si ‘Lito, na isang mentally-challenged na ama. Gumaganap naman bilang ‘Yesha’ si Xia Vigor at si Bela Padilla naman ang gaganap sa adult character nito sa pelikula.

Sa naganap na Grand Media Conference ng ‘Miracle in cell no.7’ noong December 6, ipinagmalaki ni Aga ang kanilang handog sa mga manonood na punung-puno ng pagmamahal. Grateful at blessed daw siya na magkaroon ng pagkakataong mapasama sa line-up of entries ngayong taon.

 

Panoorin ang interview ni Aga sa video below:

 

‘Miracle in cell no.7’ screen play by Mel Mendoza Del Rosario and directed by Nuel Naval opens on December 25 in cinemas nationwide! Don’t miss it!

Watch the heartfelt trailer below:

Facebook Comments