Kahit si Matteo Guidicelli, na isa sa mga sought-after actors ngayong henerasyon, ay aminado na hindi naging madali ang kanyang naging journey sa pagiging artista.

Na-i-share ito ni Matteo sa Digital Media Conference ng ‘Born To Be A Star’ ang upcoming reality singing competition at pinakabagong show ng TV5 hatid ng Sari-Sari Network at Viva Entertainment.

Ayon kay Matteo, walang shorcut sa success, lalong-lalo na sa ‘greatest success’ na kanyang nai-compare sa natamo ng mga judges or ‘Star Agents’ ng show.

“I always believe there are no shortcut to the greatest success. In the industry, some people—the outsiders think it’s all glamour, think it’s all great. But there’s so many things that people don’t see that these people—especially our star agents—worked so hard for to be where they are today,”

Para sa actor hindi lang puro glamour and showbiz, at para itong roller coaster na may ups at napakaraming downs.

Payo ni Matteo sa mga sasabak sa industriya ay magkaroon ng magandang support system mula sa mga kaibigan at pamilya.

“It’s very important to have a support group, great friends, great family. To keep your morale high, to keep moving forward and never stop believing, dreaming and achieving,”

Magsisimula na ang ‘Born To Be A Star’ ngayong January 30, tuwing Sabado 7 pm sa TV5!

For more updates about Matteo Guidicelli, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Matteo Guidicelli

Facebook Comments