Binigyan ng isang artistic at magandang token ng First Scout Ranger Regiment (FSRR) si Matteo Guidicelli dalawang taon mula ng ito ay naranasan ang brutal training ng isang scout ranger.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

“Look into the Musangs eyes. Cpt Bala Tamayo, thank you for this priceless piece. And thank you for the service you do for the Filipino People. Keep safe my friend,” sulat ni Matteo sa caption ng kanyang post.

Kita naman sa post nito sa Instagram, ang tuwa ng aktor ng matanggap ang isang art piece na kita ang uniform ng scout ranger at mukha ng isang musang.

Kilala ang First Scout Ranger Regiment sa iba-ibang nicknames, kasama na dito ang musang.

Natapos ng aktor ang naturang training at naka-graduate as Army Reservist Probationary 2nd Lt. Matteo Guidicelli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Ayon kay Matteo naranasan niya ang ang gruelling training, gumapang sa putik, maligo sa lawa, at matulog kahit na basa ang uniporme. Pinakamahirap kay Matteo ang psychological training kung saan ipiniring ang kanilang mga mata at trinato sila bilang ‘prisoners of war’.

Ayon din kay Matteo napalalim nito ang kanyang tingin sa mga sundalo at lumalim ang kanyang patriotism.

Isang memorable experience talaga ang pagiging Scout Ranger kay Matteo!

For more updates about Matteo Guidicelli, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Matteo

Facebook Comments