Inimbitahan muli ni Matteo Guidicelli ang mga followers sa Instagram na panoorin ang upcoming online concert ni Popstar Royalty, Sarah G!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Matteo Guidicelli (@matteog)

Sa araw ng kanilang 1st wedding anniversary, February 20, ay nag-post ang actor/model sa Instagram at na-i-kuwento na pinaghirapan ng asawa ang magaganap na concert sa March 27, 2021.

“She worked extremely hard for this show because her goal was to really produce something extra special for her audience and I personally witnessed how she creatively collaborated with her team,” sulat ni Matteo.

Ayon pa dito, personal niyang nasaksihan ang pag-collaborate ni Sarah para mabuo ang concert.

Kahit ang direktor ng concert na si Direk Paul Basinillo ay nabanggit na hands-on ang Popstar Royalty sa concert.

“So siguro ito naman yung pino-focus niya, trying to make it work for her, and trying to incorporate her creative juices,” banggit ni Direk Paul sa isang exclusive interview sa Pika-Pika.

Dagdag pa nito, ang song selection, outfit, at looks ang ilan sa pinakatinutukan ni Sarah G.

Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Panoorin na ang comeback concert ni Sarah G! “TALA: The Film Concert” ngayong March 27, 2021 na! Tickets are available at ktx.ph.

For more updates about Matteo Guidicelli and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments