Mahigit 75 million views na ang official music video ng 2016 hit na “Tala” ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo!

 

 

Kahit apat na taon na mula nang i-release ang “Tala”, patuloy itong nagniningning at ginagawan ng dance covers ng mga netizens!

 

Instagram/sarahgeronimoshots

 

Pero hindi lang netizens ang tumatangkilik sa viral at sensational dance craze na ito!

Instagram/sarahgeronimoshots

 

Nitong January 4, nag-post si Kapuso star Maine Mendoza ng kanyang Tala Dance Challenge video kasama ang boyfriend na si Kapamilya actor Arjo Atayde! Certified Popster pala si Maine

 

 

 

Nitong Lunes February 3, ipinost naman ng nanay ni Arjo na si Sylvia Sanchez sa kanyang Instagram ang video na ito kung saan makikitang tinuturuan ni Maine ng “Tala” dance steps ang lola ni Arjo! Check out the video below:

 

 

Talaga namang mas masayang sayawin ang “Tala” with your friends and family!

 

 

Instagram/ styledwithbang
Instagram/styledwithbang

 

Para sa mga hindi pa memorize ang steps at hindi pa nakakapag-Tala Dance Challenge, here’s a tutorial video from Teacher Georcelle and G-Force!

 

Facebook Comments