Ang aktres ba ang latest big star na lilipat network?

@lovipoe/Instagram

Sunod-sunod ang malalaking changes na nangyayari sa Viva artist na si Lovi Poe. Bumida ito sa bagong sexy-thriller film ng Viva na “The Other Wife,” may upcoming movie kasama si Carlo Aquino, at magkakaroon ng Hollywood debut niya soon.

@lovipoe/Instagram
@lovipoe/Instagram
@lovipoe/Instagram

It looks like the actress is seizing every oppurtunity there is for her. Tulad nalang ng malaking move ng paglipat ng network!

Matatandaan na ngayong taon nasama ang pangalan ng aktres sa mga big stars na posibleng lumipat mula GMA Network sa Kapamilya Network.

@lovipoe/Instagram

Tumagal na din bilang Kapuso ang aktres. Bukod sa kaniyang mga pelikula sa Viva, bumida ito sa kaliwa’t kanang shows sa network.

Pinatunayan din ni Lovi na ang kaniyang stardom ay ‘di lang dahil sa kaniyang koneksyon sa namayapang hari ng aksyon na si Fernando Poe Jr. na kaniyang ama.

At muli ngang umingay ang network transfer rumors ng aktres ngayong linggo. Pero mukhang opisyal na this time around.

Ayon sa mga unconfirmed reports, nagkaroon ng counter offer ang home network ni Lovi para sa kaniya. Pero ang offer ng kalabang network ay mas maganda para sa aktres.

@lovipoe/Instagram

Anumang araw ngayon ay i-re-reveal na umano ng ABS-CBN ang newest Kapamilya nila na si Lovi.

Matatandaan na recently lang din lumipat naman mula Kapamilya Network si Viva artist Xian Lim patungong Kapuso.

For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Lovi:

Facebook Comments