Dalawang tulog nalang mapapanood na ang reunion project ng “gamols” o ang 90’s comedy trio na sina Andrew E, Janno Gibbs, at Dennis Padilla!

Siguradong excited na ang fans lalo na ang mga batang 90’s para sa pagbabalik ng old-school style ng comedy sa “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” na mapapanood sa mga sinehan nationwide sa darating na September 4!

Maliban sa special role ng late actor na si Eddie Garcia, kaabang-abang din ang mga nagagandahang leading ladies ng trio sa pelikula na sina Louise Delos Reyes, Cindy Miranda, Debbie Garcia at Zarah Tolentino.

 

(c) Instagram/ jannolategibbs

 

Ipinamalas nina Louise, Debbie, at Zarah ang kanilang galing at kulit sa pag-popose sa pag sabak nila sa “Pose that Talong” Challenge! Panoorin ang kwelang leading ladies below!

Pose That Talong Challenge with the Cast of Sanggano, Sanggago't Sanggwapo

How to strike a pose while holding a 🍆? Tuturuan tayo nina Louise delos Reyes, @Debbie Garcia, and Zarah Tolentino kung paano ang tamang pag awra at paghawak talong. Nood na below!Sanggano, Sanggago't Sanggwapo showing this September 4 in cinemas nationwide!

Posted by VIVA TV on Friday, August 30, 2019

 

Napanood mo na ba ang trailer ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo”? Kung hindi pa, panoorin ito below:

Posted by VIVA Films on Wednesday, August 28, 2019

 

Wag kalimutang dalhin ang pamilya at mga tropa sa paborito niyong sinehan at sabay-sabay na maiyak sa kakatawa sa “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” this September 4!

Facebook Comments