Tuloy na tuloy na talaga ang pinaka-malaking artists collaboration na magaganap ngayong 2019. Ito ang concert ng tatlo sa pinakamagagaling na total performers sa bansa, sina James Reid, Billy Crawford, at Sam Concepcion.

Nakatakdang maganap ang kaabang-abang na concert na ito sa April 5, 2019 sa Smart Araneta Coliseum.

Maliban sa kanilang all-out performances, inaabangan rin ng fans ang tatlong guests sa concert na ito kung saan kabilang sina Nadine Lustre, Coleen Garcia, at Yassi Pressman.

Available na ang tickets para sa The Cr3w Live in Concert simula ngayong araw, February 8, 2019. Alamin ang iba pang detalye rito:

Samantala, abangan rin ang nalalapit na pelikula ni Sam, ang Indak, kung saan kasama rin niya si Nadine Lustre.

Si James naman ay abala rin sa training para sa kanyang inaabangang role bilang si Pedro Penduko.

Samantala, si Billy ay isa ngayon sa mga judges ng trending na dance competition sa telebisyon, ang World of Dance.

 

 

 

RELATED ARTICLES:

  1. LOOK: This guy transforms himself into James Reid!
  2. James Reid, Sam Concepcion at Billy Crawford, ibang level ang concert collab!
  3. LOOK: Nadine Lustre, Sam Concepcion and other “Indak” cast have fun at the beach!

Facebook Comments