Muli bang magsusungit si Kim Molina?

@kimsmolina/Instagram

Hindi naman na challenge kay Viva star Kim Molina ang mga roles na malayo sa ugaling niyang sweet at loving talaga! Sa background kasi nito sa teatro, kaya nitong gawing kapani-paniwala ang kahit anong ugali, misteryoso, masiyahin, masungit, o kahit na walang pakiramdam!

Matatandaan nga na isa sa aktingan nakilala si Kim ay ang karakter niyang si Savannah sa longtime hit television series na “Kadenang Ginto” kung saan ala-second in command siya ni Daniela (Dimples Romana).

@kimsmolina/Instagram

Magkakampi na onscreen, halos mag-ate naman sa likod nito. Dahil si Kim at Dimples super close!

Sa katunayan, sa love ni Dimples kay Kim ay nagkaroon ito ng surprise cameo sa shortfilm ng aktres kasama ang real-life boyfriend niya na si Jerald Napoles.

Noong Halloween last 2019, nagawa pa ng KimJe na i-costume ang iconic all red get-up ni Dimples. Si Jerald bilang si Daniela at si Kim bilang maleta!

Pero this time ang nagkampihan hindi laban kay Romina o kung sino man. Teamwork ang dalawa sa kusina. Good girls na si Dani at Savvy!

@dimplesromana/Instagram

Para pala sa YouTube channel ni Dimples kung saan gagawa sila ng iba’t-ibang Pinoy favorite dishes.

Panoorin ang reunion ni Kim at Dimples sa vlog below!

For more updates about Kim Molina and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments