Walang nakalamang, sa totoo lang!

 

Para na din sa kani-kanilang karera, lalo na sa gitna ng pandemya, binulabog ang showbiz world ng sunod-sunod na network transfers ng mga kani-kanilang longtime artists.

Dalawa sa big transfer na nangyari ay involve ang dalawag kilalang Viva artists, ang “Parang Kayo Pero Hindi” star na si Xian Lim at ang “The Other Wife” star na si Lovi Poe.

@raymundisaac/Instagram
@lovipoe/Instagram

Recently lang ang paglipat ni Xian mula ABS-CBN para maging Kapuso. Sa move na ‘to ng aktor naiwan niya sa network ang longtime girlfriend at ka-loveteam na si Kim Chui. Pansamantala din munang walang KimXi.

Jennylyn Mercado/Facebook

Agad-agad naman ang larga ni Xian sa unang proyekto niya sa GMA-7. Ito ang “Love Die Repeat” kasama si Jennylyn Mercado! Ang kanilang tambalan? JenXi!

Nagsimula na ang sa locked-in taping ng teleserye at nagkaroon na nga ang lahat ng first look sa tambalan ng dalawa!

At ang pinaka-recent na network transfer ay ang pagiging Kapamilya ng dating longtime Kapuso artist na si Lovi Poe!

@lovipoe/Instagram

Ang Philippine adaptation ng Kdrama hit na “Flower Of Evil” kasama ang Kapamilya hunk na si Piolo Pascual.

@judethepublicist/Instagram

Anuman ang tahaking karera nina Xian, Lovi, at iba pang Viva artists soon, siguradong suportado sila ng kanilang home agency!

Good luck on your new journeys, Xian at Lovi!

For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments