Aware si Viva artist Julia Barretto sa kaniyang status sa balita at social media. Kaya, careful talaga ito sa mga sasabihin mapa-interviews man o sa sariling content.

@juliabarretto/Instagram

Hindi na kasi tinantantanan ng issue ang aktres simula ng kumpirmahin nito ang relasyon sa aktor na si Gerald Anderson ngayong taon.

Happy man at contented sa lovelife, mas piniling manahimik ni Julia kapag tungkol na sa kaniyang relasyon sa 32-year-old na aktor ang usapan.

Sa katunayan, ang aktor lang ang publikong nagpahayag tungkol sa issue na involved sila.

@juliabarretto/Instagram

Sa online media con kasi ng aktres para sa upcoming teleserye niya sa TV5 ang “‘Di Na Muli” kasama si Marco Gumabao at Marco Gallo, nakatanggap ito ng unusual na tanong tungkol sa kaniyang karakter.

Natanong kasi ang aktres kung paano siya naka-re-relate sa linya na “Hindi lahat ng bagay na totoo ay kailangang aminin” sa totoong buhay.

Hindi agad nakapag-salita ang aktres.

“Hmm… Nag-iisip ako ng way na sagutin ‘to na bukas hindi siya ‘yung headline, e…” pabirong sagot nito.

Ng sumagot si Julia, ni-relate niya ang linya sa infamous line na ‘what you don’t know won’t hurt.’

“Siguro lahat ng bagay kelangan alam mo na lang siguro para hindi na rin masakit,” dagdag pa nito.

@robbiepiniera/Instagram

Ang unang proyekto ni Julia sa Viva Entertainment at TV5, “‘Di Na Muli” ay mapapanood ngayong September 13 na.

@juliabarraretto/Instagram

For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments