Kilig pati na din sakit ang naranasan ng netizens sa premiere ng official music video ng “Paubaya” ni OPM singer Moira Dela Torre. Lalo na at gumanap ang former real-life couple na si Julia Barretto at Joshua Garcia aka JoshLia sa music video.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia (@juliabarretto)

Gumanap ang JoshLia bilang isang masayang couple na magpapakasal na. Ngunit sa araw ng kanilang wedding ay naging ‘runaway bride’ ang karakter ni Julia.

Bumalik din ito para ipaliwanag ang paglisan. Sa gulat ng lahat, ginampanan pala ng dalawa ang mga sarili nila.

At mukhang hango sa kanilang dating relasyon ang pinagusapan ng mga ito.

“I’m sorry. I’m sorry, Josh. I’m sorry, napagod ako. I’m sorry, nawala ako. Natatakot ako kasi hindi kita mahanap noon. Binigay ko lahat. Binigay ko sa’yo lahat. Naubos lang ako,” banggit ni Julia.

“I’m sorry nasaktan kita. Sorry kung wala ako nung mga panahong kailangan mo ako. Sorry kung wala ako nung kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi man lang kita naprotektahan. Natakot ako. Sobra. Pero gusto ko nandun ako. Gusto ko nandun ako nung nasasaktan ka. Pero wala. Siguro dahil alam ko na rin na—na hindi talaga tayo para sa isa’t isa,” sagot ni Joshua.

Sa credits ng music video, kasama sina Julia at Joshua sa “script dialogue”.

Panoorin ang music video here:

For more updates about Julia and other Viva Artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out more stories about Julia Barretto:

Facebook Comments