Expensive Candy/Official Trailer

Dalawang taon na ang nakakalipas nang huli siyang makita sa big screen sa 2020 zombie thriller ba “Block Z” at ngayon, nagbabalik–big screen ang aktres na si Julia Barretto sa one of her most challenging and fearless roles sa lahat ng kaniyang naging proyekto kasama si Carlo Aquino sa pelikulang “Expensive Candy”  ng Viva Films. 

Expensive Candy/Official Trailer

Nitong August 20, 2022 ipinalabas ang official trailer ng nasabing pelikula na ipapalabas sa mga sinehan sa September 14.

Expensive Candy/Official Trailer

Mukhang magiging viral ulit si Julia after ng kaniyang “Dancing Queen” moves dahil sa  all-out na pagganap niya sa kaniyang role bilang si “Candy” na nagtatrabaho sa club samantalang isang school teacher naman ang role ng kaniyang leading man na si Carlo.

Expensive Candy/Official Trailer

Ito ang first time na magsasama sa isang pelikula sina Julia at Carlo kaya naman kaabang-abang talaga ang nasabing pelikula lalo pa’t ito ay sa direksyon ng award-winning writer-director na si Jason Paul Laxamana. 

@juliabarretto/Instagram
@jose_liwanag/Instagram

Masasabing ito ang reunion project nina Julia at Laxamana dahil ang nasabing direktor ang nasa likod ng 2019 movie na “Between Maybes” na pinagbidahan ng aktres at ng nobyo nitong si Gerald Anderson. 

Ilan pa sa sikat na pelikula ni Laxamana, katuwang ang Viva Films, ay “100 Tula Para Kay Stella”, “Just A Stranger” at “The Day After Valentine’s”.

Maliban sa upcoming movie na “Expensive Candy”, abangan din si Julia sa kaniyang Youtube Channel sa link na ito, https://www.youtube.com/c/juliabarretto.

Also, check out “The Seniors”, “Bahay na Pula”, “Di Na Muli”, “Love You To The Stars and Back”, at “Vince, Kath and James” ni Julia Barretto sa Vivamax. 

Mapapanuod din sa Vivamax ang “Ulan”, “Meet Me In St. Gallen” at “Exes Baggage” ni Carlo Aquino. 

Check out other stories:

Facebook Comments