Pinipilihan, iniiyakan, at pinaguusapan ang comedy hugot film na “#JOWABLE”, starring Kim Molina! Dahil sa mainit na pagtanggap ng mga manonood kay “Elsa Mangahas”, umabot na sa tumatangingting na P 41 Million ang 5-day gross ng pelikula!

Instagram / kimsmolina

Trending din sa social media ang mga puri sa acting performance ng cast at positive reviews sa kwento ng pelikula!

Hango ang “#JOWABLE” sa viral short films turned best-selling book ng VinCentiments! Si Darryl Yap ang writer at director ng blockbuster film na ito at produced under Viva Films.

Maliban kay Kim, mapapanood din sa pelikula ang mahuhusay na comedians na sina Chad Kinis, Cai Cortez, Kakai Pangilinan, Jerald Napoles, at Candy Pangilinan.

Instagram/ kimsmolina

Alamin ang kwento sa likod ng mga karakter ng “#JOWABLE” cast!

Panoorin ang full interview kina Chad Kinis, Cai Cortez, at Jerald Napoles kung saan ibinahagi ng tatlo ang role nila sa buhay ni “Elsa”:

Huwag nang magpahuli mga jowables! Showing na ang “#JOWABLE” in cinemas nationwide!

#JOWABLE Trailer

Isang Pelikulang para sa mga Tapos Nang Magpakatanga.Alamin ang iyong Tunay na Halaga!#JOWABLEthemovie FULL TRAILERYOUTUBE LINK: https://youtu.be/cU3xRYq7iX4May Libog! May Lesson! Kim Molina is #JOWABLEwritten and directed by Darryl YapSeptember 25, 2019in Cinemas Nationwide#VinCentiments x VIVA Films

Posted by VIVA Films on Sunday, September 1, 2019

Tandaan, ang mag-spoil hindi magkakajowa forever!

Facebook Comments