Usap-usapan parin hangang ngayon ang masayang pagkapanalo ng pambato ng Team Sarah na si Vanjoss Bayaban, sa pagtatapos ng “The Voice Kids Season 4” noong nakaraang linggo. Proud na proud ang kanyang mentor na si Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo sa husay at tagumpay na ito ng young artist from Pangasinan!

Instagram / sarahgeronimoshots

Muling tumatak sa puso ng mga manonood si Coach Sarah dahil sa kanyang nakakaaliw at masayahing personality sa show. Kapansin-pansin din ang pagiging tutok niya sa pag gabay sa aspiring artists na nais maging kasing husay niya balang araw. Sa kanyang more than 16 years na success na entertainment industry, napaka-swerte ng Team Sarah young artists na maturuan at mapabaunan ng advice ng nagiisang Sarah G!

Instagram / sarahgeronimoshots

Sa naganap na after-party ng Grand Finals night ng reality singing competition, nagkaroon ng chance na makapag-bonding si Coach Sarah at ang kanyang former Voice artists na ngayon ay kanya-kanya nang gumagawa ng sarili nilang pangalan sa industriya.

Instagram / sarahgeronimoshots

Panoorin ang trending na “Tala” dance ng Team Sarah sa masayang after-party na ito!

 

Sa isang panayam sa singer at former Team Sarah artist na si Jason Dy, ni-reveal nito na pauwi na si Coach Sarah nang patugtugin ng DJ ang ‘Tala”, na mayroong sikat na sikat na dance moves na ginagaya ng lahat!

Instagram / jasondy

Trivia pa ni Jason, requirement daw na alam dapat ng Team Sarah artists ang steps ng “Tala”.

Instagram / jasondy

Don’t miss Sarah Geronimo’s latest film “Unforgettable” now showing in cinemas nationwide!

Facebook Comments