Malayo sa kanyang beauty queen background at comedy role sa “Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo”, ang pinakabagong role sa pelikula ni Cindy Miranda.

Instagram / cindy

Bibida si Cindy alongside fellow Viva star na si Rhen Escaño sa erotic psychological thriller na “Adan”. Ito ay isinulat ni Yam Laranas at dinirek ni Roman Santillan.

Gaganap si Cindy bilang si “Marian”, ang matalik na kaibigan ni “Ellen” na character naman ni Rhen.

Instagram / realrhen

Naniniwala si Cindy na lahat ng tao, mapa-babae o lalaki, ay mayroong “Adan” sa mga sarili nila. Ito rin daw ang ipapakita nila ni Rhen na matapang na kwento ng pelikula.

“Parang si Cindy, sa una tahimik. Pero, nasa loob pala yung kulo.” paglalarawan ni Cindy sa kanyang role.

Instagram / cindy

Hangang saan kaya ang kayang gawin ni “Marian” para sa pag-ibig? Mas kilalanin pa si Cindy Miranda at ang kanyang karakter sa interview below:

ADAN Featurette: Cindy Miranda [In cinemas November 20]

"Si Marian ay matapang, walang sinusukuan. Lahat gagawin sa ngalan ng pag-ibig."Makikilala niyo na siya. Cindy Miranda is Marian in #ADANmovie, ngayong November 20 na in cinemas nationwide.

Posted by VivaEntertainment.ph on Sunday, November 17, 2019

Sugod na sa inyong paboritong sinehan dahil showing na ngayong araw November 20 ang “Adan” in cinemas nationwide!

Check out the list of cinemas below:

Watch the trailer:

Facebook Comments