Kung kasama ka sa mga fans na nayanig ang gabi ng ianunsyo ng Viva Entertainment ang upcoming online concert ni Sarah G ang “TALA: The Film Concert”, ay siguradong hindi mo napansin ang ilang interesting details sa official poster nito. Check it out.

Ang director ng Tala music video ang director ng concert

Kakaiba ang official poster na ibinahagi ng Viva Artists Agency dahil nakalagay dito kung sino-sino ang nasa likod ng online concert.

Kaya kung pamilyar ang pangalan ni Director Paul Basinillo saiyo, ay dahil ito din ang naging director ng viral “Tala” music video na ngayon ay 170 million views na!

May special na surprise ang mga kukuha ng VVIP kay Sarah G

Para sa mga dedicated fans na bibili ng VVIP ticket may maliit na mensahe sa ibaba ng official poster.

“Watch out for future announcement on a big surprise from Sarah G. Limited slots only,” lahad sa poster.

Ang Tala choreographer ang creative director ng concert!

Ang addicting choreography ng “Tala” ang isa sa dahilan kung bakit ito naging viral sensation sa loob at labas ng bansa. At mukhang makakapanood tayo ng same effect dahil ang creative director ng concert ay walang iba kundi si—ang artistic director ng G-Force at brains behind sa steps ng “Tala”—Georcelle Dapat-Sy aka Teacher Georcelle!

I-ready mo na ang iyong sarili dahil sa February 19, 2021 sa KTX.PH ay pwede nang makabili ng tickets. Mangyayari naman ang “TALA: The Film Concert” sa March 27, 2021 8 pm.

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories about Sarah G

Facebook Comments