Only the best for the best!

@hidilyndiaz/Instagram

Nakatatak na talaga sa kasaysayan ng bansa ang pagkapapanalo ni weighlifter Hidilyn Diaz ng gintong medalya sa 2020 Tokyo Olympics. Ito kasi ang unang Pilipino na maguuwi ng ganitong kalaking karangalan para sa bansa.

@hidilyndiaz/Instagram

Sa nagdaan ngang mga buwan, simula ng umuwi siya sa bansa, ang mga pangako kay Hidilyn, ‘di napako! Na-recieve na kasi nito ang mga pa-premyo at incentives tulad ng unlimited flights, condo, kotse, house and lot, kahit ang pera!

Puno din ito ng guestings at courtesy calls mula sa media at gobyerno.

Kaya ano pa bang naghihintay sa olympic gold medalist?

@hidilyndiaz/Instagram

Umawra para sa isang magazine!

Recently featured ang atleta sa front cover ng isang kilalang magazine sa bansa. Pinakita ni Hidilyn na pati pag-mo-model mabubuhat niya!

@antonsd/Instagram

Kita sa photo ang dolled up na si Hidilyn proudly showing her gold medal at ang kamay na nagbigay ng karangalan sa bansa. Mukhang inspired din sa viral ‘hands of champ’ ang pose na ‘to ng atleta.

Mala-modern superwoman ang pose naman dito ng atleta.

@markednicdao/Instagram

Syempre hindi mawawala ang mga creative shots! Tulad nalang ng litrato na ‘to.

@markednicdao/Instagram

Larawan ng isang malakas at palaban na babae si Hidilyn.

@markednicdao/Instagram
@markednicdao/Instagram

Nakakatuwa naman basahin ang reaskyon ng atleta sa kaniyang ala-model na sandali.

“Sa gitna ng napakaraming challenges, nangyayari ang dapat mangyari nang maganda, mahusay at mabuti! Pagod ako nu’ng kinunan ito – pero sobrang saya ko! Ang ganda talaga!!!” sulat nito sa Instagram.

Deserve mo lahat ng ito Hidilyn!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments