Started from the bottom, now she’s a gold medalist!

May be an image of 1 person and indoor
AFP/Website

Kung maririnig lang ang mga posts sa social media kagabi, siguradong ramdam ang ingay at selebrasyon ng mga Pinoy sa pagkapanalo ng weightlifter na si Hidilyn Diaz sa 2020 Olympics na ginaganap ngayon sa Tokyo!

Kamangha-manghaa ang ipinakita nitong lakas bilang isang atleta at representative ng bansa sa olympics. Nakamit nito ang gold medal sa women’s 55kg category sa weightlifting!

Siya ang first-ever Filipino gold medalist!

May be an image of ‎1 person and ‎text that says '‎PHILIPPINES سو‎'‎‎
AFP/Website

Pero bago pala nito nakamit ang matamis na panalo, grabe ang hardships na pinagdaanan nito maituloy lang ang pag-representa sa bansa!

Viral kasi ngayon ang past Instagram Story ng weightlifter na noon ay naghahanap ng sponsor para sa mismong na Olympics na inihalalal siyang panalo!

Sa Instagram Story, halos magmakaawa na ito para matustusan ang financial part ng pagiging atleta

@hidilyndiaz/Instagram

“Is it okay to ask sponsorship sa mga private companies toward Tokyo 2020? Hirap na hirap na ko, I need financial support.” ito pa mismo ang nagtanong sa mga followers!

“…Pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa atin bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics” pangakong sabi nito.

May be an image of text that says 'hidilyndiaz 23h It is okay to ask sponsorship sa mga private companies towards Tokyo 2020? Hirap na hirap na ko, need financial support. tingin niyo okay lang kaya, nahihiya kasi ako pero try ko kapalan mukha ko para sa minimithi kong pangarap para sa atin bansa na maiuwi ang Gold Medal sa Olympics'
@hidilyndiaz/Instagram

The rest is history sabi nga nila.

Ayon sa mga balita, bukod sa gintong medalya at karangalan sa bansa, bibiyayaan si Hidilyn ng P35.5 million at bahay at lupa sa Tagaytay City ng gobyerno!

Congratulations, Hidilyn!

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments