Kahit ang Popstar Royalty ‘di nakatakas!

@gelalaurel

Nagkaroon nga ng “Hidilyn Diaz” invasion sa lahat ng popular na social media platforms ngayong linggo dahil sa pagkapanalo ng gintong medalya ni weightlifting champ Hidilyn Diaz sa 2020 Tokyo Olympics.

@hidilyndiaz/Instagram

Ito kasi ang unang beses na makakamit ng gintong medalya ang bansa sa naturang palakasan.

Simula nga ng umugong ang pagkapanalo nito, ‘di lang ang gobyerno ang magbibigay ng worthy prize sa atleta pa din ang iba’t-ibang brands.

May be an image of 1 person and text that says 'PHILIPPINES'
Hidilyn Diaz/Website

Ang ilan naman binalikan ang mga past interviews ni Hidilyn na kita ang humble personality nito.

Para sa Popsters naman, nahalungkat nila ang interview na ‘to ng gold medalist kung saan nabanggit pa nito ang pangalan ng Popstar Royalty.

Dahil si Hidilyn, Popster pala!

Back in 2016 kasi nagkaroon ito ng fast talk segment kasama ang sikat na talkshow host na si Boy Abunda. Sa interview mabilisan nitong tinanong si Hidilyn kung sino-sino ang nasa listahan ng favorites niya.

BALIKAN: Paano hinawakan ni Hidilyn Diaz ang mga premyong natanggap sa 2016 Rio Olympics? | ABS-CBN News
ABS CBN News/Website

“Paboritong singer?”

“Sarah Geronimo” matter of fact sinabi ng atleta.

Masaya at a good sport naman si Hidilyn sa pagsagot ng mga tanong. Kahit yung mga slightly naughty questions na known ang segment, maayos nitong sinagot.

Literal na fast man ang interview makikita na a champ recognizes fellow champions! Hindi ka mali ng inidolo, Hidilyn!

Panoorin ang full video below:

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments