Icon sa stage at sa kusina!

@gelalaurel/Instagram

Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila, balik bahay muna ang magasawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. ‘Di lang balik-bahay ang dalawa, kundi balik lockdown hobbies din!

Si Sarah G kasi tambay muli sa kusina!

@gelalaurel/Instagram

Matatandaan na mas nag-dwelve ang 33-year old sa kaniyang baking skills sa pagsisimula ng malawakang lockdown sa bansa. Si Matteo pa nga ang naging pangunahing judge nito sa kaniyang bake creations.

“At home, she likes everything to be perfect. Like her baking, you cannot talk to her when she’s working in the kitchen. It’s her time. She’s very perfect in measurement,” kwento ni Matteo sa ugali ni Sarah as a baker.

@vivaartistsagency/Instagram

So much na nagbukas ang magasawa ng sarili isang small cupcake business dahil na din sa demand ng mga kaibigan at kakilala na masubukan ang baking prowess ng Popstar Royalty!

@bubsie_24/Twitter

SEE MORE: Here’s All the Cupcakes and a Cake Sarah G Has Made Recently!

So far, approve na approve ang cupcakes ni Sarah G! Mapa-friends pati na celebs!

SEE MORE: Cupcakes Palang Ni Sarah G, Grabe Na Ang Fangirl Ni Pauleen Luna!

At ito nga tambay muli si Sarah sa kusina. Sa recent Instagram story kasi ni Matteo may entirely new creation ang asawa—ice cream!

“Avocado ice cream from the wife.” satisfied na share ni Matteo.

Dinagdagan pa ni Sarah ang cold treat ng chocolate chips at candied wallnuts for added texture.

Ibebenta mo din ba ‘to SG?!

For more updates about Sarah Geronimo and your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments