Mula sa pagiging viral online hanggang sa maging ganap na dance craze, tunay na tumatak na sa puso ng karamihan ang awiting Tala. Kaya naman isa sa mga inaabangang pagtatanghal sa UNIFIED concert ang Tala performance ng nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Nagkaroon na ng iba’t ibang mga versions ang viral hit na ito. At hindi binigo ni Sarah G ang mga fans sa kanyang unforgettable Tala version noong UNIFIED concert.

Hindi magkamayaw ang mga manonood sa paghiyaw nang lumabas na sa stage ang nag-iisang Tala queen suot-suot ang pulang tribal costume. Kasama ang G-Force, binigyan ni Sarah G ng mas nakakaindak na tempo at groove ang dance hit. Nakadagdag sa nakakamanghang performance ang galing ng choreography at ang nakakaindak na pag-ilaw sa stage.

Instagram/ sarahgeronimoshots
Instagram/ sarahgeronimoshots

Bago pa man magsimula ang kanyang performance, nagpasalamat muna ang Popstar sa lahat ng nagmahal sa Tala. Sinuklian naman ito ng mga fans ng pagmamahal kasabay ng kanilang pagkanta at pagsayaw. Dahil sa upbeat music at high energy na idinulot ng Tala, naging lalong mas maningning ang concert experience ng mga manonood sa Big Dome.

Instagram/ sarahgeronimoshots
Instagram/ sarahgeronimoshots

Panoorin ang full Tala performance ni Sarah G dito:

[HD] SARAH G PERFORMS "TALA" IN UNIFIED CONCERT!

Sarah Geronimo performs a fierce version of her iconic hit "Tala" #UNIFIED#VIVAwatch2020 #VivaPlay

Posted by VivaEntertainment.ph on Friday, February 14, 2020

 

Facebook Comments