Tuwang-tuwa ang mga netizens sa funny moments ng mag-sisterettes na sina Anne Curtis at Vice Ganda. 

@annecurtissmith/Instagram
@praybeytbenjamin/Instagram

Sa noontime show kasi na “It’s Showtime” kung saan magkasama as hosts sina Anne at Vice, nagkamali ng basa si Anne sa prompter. 

Imbes na “pumagitna” ang nabanggit ni Anne kay Vice, “pumangit” ang nasabi nito na. 

Na-shock ang beauty ni Vice pero imbes na mainis, pabiro nitong sinakal at mahinang itinulak ang kaniyang sisterette na kaagad namang nagpaliwanag na mali nga ang pagbasa niya sa nakasulat sa prompter. 

Maging sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na co-hosts nila sa nasabing show pati na ang mga audience ay hindi rin napigilang matawa dahil sa napaka-cute na pagkakamali ni Anne. 

ABS-CBN Entertainment/Youtube
ABS-CBN Entertainment/Youtube
ABS-CBN Entertainment/Youtube

Paminsan-minsan ay nagkakamali talaga sa mga Tagalog words si Anne. 

Pero hindi naman ito kinaiinisan ng kaniyang mga kasama, bagkus ay natatawa pa ang mga ito pati na ang mga netizens. 

Kamakailan lamang, naaliw rin ang mga netizens sa online bardagulan ng mag-sisterette dahil nag-trending pa sila sa Twitter. 

@annecrustissmith/Twitter
@annecrustissmith/Twitter
@annecrustissmith/Twitter
@annecrustissmith/Twitter
@annecrustissmith/Twitter

Ilan lamang ang mga ito sa “funny moments” ng mag-sisterette na kapuwa ring mapapanood sa Vivamax. Check out “Sid & Aya”, “No Other Woman” and “A Secret Affair” ni Anne Curtis at “Praybeyt Benjamin”, “Fantastica” at “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ni Vice Ganda. 

Check out other stories:

Facebook Comments