Hindi pa man officially pinapalabas sa mga sinehan sa bansa, overwhelming na ang mainit na suporta at positive feedback na natatanggap ng pelikulang ‘Miracle In Cell No. 7’.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Matatandaang nauna nang nagbigay ng suporta ang original actor na gumanap sa 2013 South Korean hit movie na si Ryu Seung Ryong!

Narito ang kanyang mensahe:

Ryu Seung Ryong invites you to watch Miracle in Cell No. 7 [In cinemas, Dec. 25]

Korean actor Ryu Seung-ryong, the lead actor of the hit family drama movie, Miracle in Cell No. 7, personally invites all of you to watch its Filipino adaptation this December 25! Mr. Ryu, 정말 감사합니다 for your warm support! #MiracleInCellNo7 is an official entry to the #MMFF2019.

Posted by VivaEntertainment.ph on Thursday, December 12, 2019

 

During the film’s Grand Media Con, ikinuwento din ng aktor na si Aga Muhlach na ‘textmates’ sila ni Ryu at nangako daw ito na tutulong sa pag-promote ng Filipino adaptation sa Korea!

 

 

Sa naganap na Miracle in Cell No. 7 Premiere Night noong December 16 sa SM Megamall, maliban sa star studded cast, guest, at fans, dumalo rin ang original Korean producer at director ng pelikula na sina Lee Hwan-kyung at Kim Min-ki!

Sa kanilang pagbisita sa Viva office kasama ang interpreter na si Eungyoung Kim na isang pure Korean na ipinanganak at lumaki sa bansa, pinuri ng Miracle duo ang Filipino remake at ang cast nito.

Nauna nang gumawa ng kanilang sariling version ang Turkey bago pa man ang Pilipinas. Ayon sa dalawa, mas malapit sa Korean version ang Pinoy remake dahil sa tamang timpla ng pagpapatawa at pagpapaiyak nito.

Tinawag din nilang ‘very unselfish; ang paggganap ng batikang actor at bida na si Aga Muhlach sa kanyang role bilang si Lito.

“Kasi talagang imbes na i-emphasize niya ang sariling acting, nag-give way siya sa lahat ng actors para magkaroon sila ng magandang collaboration,” ayon kay Direk Lee Hwan-kyung as interpreted by Kim.

Pagpapatuloy ni Kim “Second, ’yong last part, wala daw ’yon sa Korean version…no’ng napanood niya, napa-isip siya na sana sa Korean version daw nilagay din niya ’yong gano’ng ending.”

Ayon naman sa producer at director “Pangatlo, napansin daw nila na mas emotional ang audience dito kesa sa Korea…mas emotional, mas sentimental ang na-execute ng Pinoy version.” pag-iinterpret ni Kim.

 

Sa sobrang tuwa ng Miracle duo sa Filipino adaptation ng Miracle in Cell No. 7, nagbiro ang mga ito na ire-remake din daw ang Pinoy remake sa Korea!

Panoorin ang full interview sa Korean producer at director Lee Hwan-kyung at Kim Min-ki below:

 

Sa darating na Pasko, huwag kalimutang unahin ang pelikulang puno ng aral at pagmamahal. ‘Miracle in Cell No. 7’ open on December 25 in cinemas nationwide!

Watch the trailer below:

‘Miracle in Cell No. 7’ is an official entry to the 45th Metro Manila Film Festival.

Facebook Comments