After ng trending ‘Post-A-Pic Of’ sa Instagram, nauso naman ang ‘True or False’ kung saan magtatanong ang followers ng mga questions na masasagot lamang via True or False. Isa si Millennial Dance Princess, Ella Cruz, sa mga celebrities na ginawa ang challenge na ito.

Ilan sa highlight ng mga tinanong kay Ella ay kung outfit repeater ba siya. Proud namang sinagot ito ni Ella na ‘True’.

“Oo naman! Ano disposable ang damit?!” explain pa nito.

Sumagot naman si Ella sa ‘True’ sa tanong kung siya ba ay gumagastos talaga sa Kpop Merch.

Pinakita pa nito ang ilan lightsticks sa collection nito!

At nang tanungin naman siya kung dati pa siya sumasayaw, ay ‘True’ ang kanyang sagot.

“Ako po yung naka-pink! Hilig ko na sumayaw bata plng po, yan din talent ko sa mga contest/pageant na sinasalihan ko before. Turo yan syempre ni mama!” paliwanag pa ni Ella.

“Ako nga rin pala yung mga batang kapag sinabi ng tita/tito na sumayaw, go!” biro pa nito.

Sinagot din muli ni Ella ang issue noong nakaraang taon na ‘di umaano ay siya ay buntis.

“I gained weight. That’s it!” paliwanag ni Ella.

At sa tanong naman na kung nagkakasama sila araw-araw ng reel and real boyfriend na si Julian Trono, ay ‘False’ na ang nasagot ng dalaga.

“Before covid, yes. But ever since lockdown, umuwi na ko ng Bulacan kaya everyday vidcall na lang muna kami,” explain ni Ella.

Gumawa pa nga sila Ella at Julian ng mini-series kung saan pinakita nila ang isang LDR relationship during lockdown.

For more updates about Ella Cruz follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments