Para kay Millenial Dance Princess Ella Cruz, ang pagiisip or way of thinking ni Meg Imperial ang gusto niyang nakawin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Sagot ito ni Ella nang tanungin sa online press conference para sa darating nilang pelikula na STEAL.

Kasama ni Ella dito sina Meg Imperial, Nathalie Hart, at Jennifer Lee.

“I got inspired by Ate Meg’s kasi. Parang yung pagiisip niya, yung way of thinking niya nung nagkasama kami and until now,” paliwanag ni Ella.

“Kasi she’s very independent, she knows what she wants. Especially now business minded, yun yung medyo wala ako eh. Wala pa ako sa part na business yung iniisip ko. Syempre gusto ko rin ng ganoon, it’s for the future din. Parang sine-secure ni Ate,”

Na-describe pa ni Ella ang ugali ng co-star na gustong-gusto niya din.

“And she’s so considerate to everyone, she loves everyone. So gusto ko yung thinking ni Ate Meg na ganoon,”

Syempre, nag-share din ang ibang cast ng STEAL.

Kung si Meg naman ang tatanungin, ang pagiging vocal ni Nathalie Hart sa kanyang nararamdaman ang gusto niyang ma-acquire.

Kay Nathalie naman gusto niya magkaroon ng tangkad dahil para sa kanya ito nalang ang kulang niya.

Para naman kay Jeniffer Lee, kukuha siya sa lahat ng kasama; talent ni Ella sa pagsayaw, pagiging fun at outgoing ni Nathalie, at pagiging bright ni Meg ang gusto niyang magkaroon din siya.

Sa January 22, 2021 mapapanuod na ang STEAL sa mga sinehan!

Starring Ella Cruz, Meg Imperial, Nathalie Hart, at Jennifer Lee ang STEAL ay sa direksyon ni Bona Fajardo. Mula sa produksyon ng Viva Films at Blu Art Productions.

For more updates, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments