Masayang ibinahagi ni Millennial Dance Royalty Ella Cruz ang naging experiences niya habang ginagawa ang latest show ng VIVA TV na “Sisters Forever (2gether Poorever), na pinagbibidahan niya kasama sina Z-Girl member Carlyn Ocampo, Millennial Dance Royalty at ka-loveteam na si Julian Trono, at rising star na si Gab Lagman!

Sa ginanap na advanced screening ng pilot episode ng Sisters Forever, kung saan present din ang co-stars niyang sina Julian Trono, Ppop Yumi, at Ppop Ashtine, ibinahagi ni Ella na maganda ang comedy chemistry nila ni Carlyn.

“Nag- jajive kami!”, nakangiting kwento ni Ella. “Tapos minsan parehas kami ng parang nasa isip. Hindi kami nag ba-block off. Minsan sabay pa talaga kami magtinginan.”

Gumaganap bilang sosyal sisters sina Ella at Carlyn sa show. Hindi nakadalo si Carlyn sa advanced screening dahil nagtetraining ang girl group member sa Korea.

Ibinahagi din ni Ella na marami siyang natutunan sa proyekto pagdating sa pag gawa ng isang comedy show, tulad ng tamang timing at ang pagiging natural sa pagpapatawa!

Abangan ang Sister’s Forever (2gether Poorever) ngayong September 21 7PM, Sabado, only on VIVA TV!

Sisters Forever (2gether Poorever) Official Trailer

Mula sa yaman… bumagsak sa lusak!Samahan natin and Supsop Sisters sa kanilang kwelang misadventures sa Sisters Forever (2gether Poorever), starring Ella Cruz, Carlyn Ocampo, Julian Trono and Gab Lagman. Mapapanood ang Sisters Forever (2gether Poorever) on September 21, Sabado at 7PM dito sa Viva TV.Iba 'pag Viva!VIVA TV IS AVAILABLE ON:CIGNAL – Channel 42CABLELINK – Channel 51And other LOCAL Cable providers

Posted by VIVA TV on Thursday, September 12, 2019

Facebook Comments