Kilala ang writer at director na si Yam Laranas sa kanyang mga obra na Balahibong PusaRadyoSigaw, Patient X, The Road, at Aurora. Siya rin ang sumulat ng mapangahas na pelikulang Adan.

 

Ang upcoming horror film na Nightshift ang first project ni direk Yam na patungkol sa medical profession.

Instagram/yamconcepcion

 

Naglaro lang daw ang utak niya after niyang mabasa ang research ng isang taga-New York University tungkol sa mga patay—na actually ay buhay pa daw, a few minutes after they are pronounced dead.

 

Instagram/yamconcepcion

Moreover, buhay diumano ang diwa ng mga ito kaya may posibilidad na nagsasalita sila at gumagalaw pa na hindi lang naririnig o natitiyempuhan nang karamihan.

 

Instagram/yamconcepcion

 

Sa isang interview, ibinahagi ni direk Yam kung bakit si Yam Concepcion ang kanyang first and only choice para sa role.

 

Instagram/yamconcepcion

 

Agad daw siyang na-attract sa vulnerable na itsura ni Yam. Hindi rin kaso sa kanya na kilala si Yam sa kanyang sexy and villain roles.

 

Instagram/yamconcepcion

 

 

“Pag actor ka, actor ka, e,” katwiran ni Direk Yam. “If you can play a role and if you’re good at it, then you can play the role and I saw the vulnerability of Yam. Nakita ko ’yong face niya soft pero tough din, fighter din, doon ko nakita ’yong perfect character for the role and I said ayoko nang maghanap ng iba. Gusto ko na si Yam Concepcion to play the role of Jessie for this film called Nightshift.”

 

Instagram/yamconcepcion

 

Pero aminado siyang ina-adjust pa niya ang script para mas lalong bumagay kay Yam.

 

 Instagram/yamconcepcion

 

“Kasi no’ng makita ko si Yam, Oh my God, nag rewrite ako… ni-rewrite ko ’yong buong story for her para bumagay sa kanya lalo. Kasi ayoko kasing maging stereotype ’yong character na okey porke’t gumawa siya ng sexy, gumawa siya ng kontrabida, kontrabida din siya dito or sexy siya dito.”

 

Instagram/yamconcepcion

 

“But no, Yam Concepcion played a different role here and I want people to see that Yam is a good actress, she’s a great actress. She can play different kinds of roles hindi lang kontrabida, hindi lang pa-sexy or sexy, but also someone who is a thinker…deep… also has a mind of her own and at the same time can literally be alone in a scene and act out the entire scene all by herself!”

 

Instagram/yamconcepcion

 

Dagdag pa ni Direk Yam, tama ang kanyang desisyon na piliin ang aktres na bumida sa highly-anticipated horror film na ito.

 

Instagram/yamconcepcion

 

“’Yon ’yong maganda doon, doon ako natutuwa sa nabigay ni Yam. Hindi siya glamorous sa role na ’to, nakapusod lang, walang makeup, pagod na pagod, puyat na puyat… that’s it. That’s her job. Realism ’yong approach namin, e. Isang uniform lang siya sa entire movie, ang daming tumatak na ano emotions on her— happiness, sadness, fear, anger and in one scene kaya niyang gawin lahat yan. And I thought yes, yes, I didn’t make a mistake of picking her. She did a great job.”

Instagram/yamconcepcion

 

Inilarawan naman ni Yam Concepcion ang kanyang role sa Nightshift.

 

Instagram/yamconcepcion

 

I play Jessie, isang medtech assigned sa graveyard shift sa morgue ng isang hospital where I’m the assistant of the head pathologist played by Michael de Mesa,” paglalarawan ni Yam Concepcion sa role niya sa Nightshift.

 

Instagram/yamconcepcion

 

One rainy night, hindi dumating ’yong karelyebo ko kasi baha, kaya hindi rin ako makauwi, and I’m all alone in the morgue. Then I start hearing strange sounds and I had the feeling that the cadavers are moving. I keep thinking it’s the day of final judgment when people are rising from the dead.” ani Yam.

 

 

 

Mapapanood na ang Nightshift sa darating na January 22, 2020 in cinemas nationwide!

 

Facebook Comments