Mapangahas ang kwento ng pelikulang “Adan” na pinagbibidahan nina Cindy Miranda at Rhen Escaño. Isang erotic, psychological thriller ang pelikula, na isinulat ni Yam Laranas at dinirek ni Roman Santillan.

Matapang ang mga karakter nina Cindy at Rhen, na magpapakita ng pagkakaibigan at pagmamahalan sa pagitan ng dalawang babae. Love, lust, and lies ang tema ng pelikula.

Ayon kina direk Yam Laranas at Roman Santillan, handa na ang Filipino audience sa mapusok na kwento gaya ng “Adan”.

“I think and I believe 100 percent, they’ve been waiting they’ve always been waiting for the right film, and we hope this is the right film.” ayon kay direk Yam Laranas sa interview sa ginanap na Adan Media Conference.

Ayon kay direk Roman, hindi dapat maliitin ang Filipino audience dahil handa sila sa ganitong klaseng mga pelikula. “Ready ang masa, ready ang mga millenial para dito.” ani direk “Ang mga masa ngayon matatalino. Nanonood na sila ng world cinema..” dagdag ni direk Roman.

Panoorin ang interview kina direk Yam Laranas at Direk Roman Santillan by clicking the video below:

 

 

Palabas na ngayong araw, November 20, ang mapusok at matapang na pelikulang “Adan” in cinemas nationwide!

Check out the list below:

Watch the full trailer of “Adan” down below:

Facebook Comments