Mainit ang naging pagtanggap ng moviegoers at critics sa latest film ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo na “Unforgettable”, kung saan imbes na leading man ay ang wonder dog na si Milo ang kapartner niya sa heartwarming film na ito!

Instagram / sarahgeronimoshots

Noong “Unforgettable” Media Con, pinuri ni Sarah G ang pagiging professional at matalino ni Milo. Hindi anya sila nahirapan dahil parang artista ang wonder dog! Bilang isang dog lover herself, malapit sa puso ni Sarah ang project na ito.

Instagram / sarahgeronimoshots

Sa “Unforgettable”, lumihis si Sarah sa usual rom-com kung saan siya nakilala ng mga manonood bilang isang certified box-office queen! Ibang klaseng kwento ng pagmamahal ang gustong maipakita ng pelikula na patuloy na pinipilahan sa mga sinehan at pinaguusapan sa social media.

Instagram / sarahgeronimoshots

Ang award-winning writers/directors na sina Perci Intalan and Jun Robles Lana ang power duo na utak ng pelikulang “Unforgettable”.

Instagram / sarahgeronimoshots

Sa isang interview, ni-reveal nila na tatlong kwento ang kanilang inoffer kay Sarah at masaya silang ang “Unforgettable” ang pinili nito!

Instagram / sarahgeronimoshots

 

Para sa full interview sa directors na sin Jun Robles Lana at Perci Intalan, check out the video below:

 

Meanwhile, catch Sarah Geronimo as “Jasmine” in her latest movie “Unforgettable”, now showing in cinemas nationwide!

Watch the trailer below:

Facebook Comments