“Bakit parang kasalanan ko?” isa siguro ang linya na ‘to sa mga isasagot ng viral direktor Darryl Yap sa kaniyang mga bashers lalo na sa dilemma ng mga ‘to na siya ang sinisisi!

@direkdarrylyap/Instagram

Recently, ‘di napigilan ng direktor makipag-diskusyon sa ilang netizens na bwineltahan ang  ‘di pang-batang content ng pelikula. Tungkol ‘to sa “69+1” na lumabas recently ang teaser trailer.

Ayon kay Yap, samahan ng mga magulang ang kanilang mga anak kung manonood.

VinCentiments/Facebook

“para hindi sila lumaking tulad nyo, hipokrito, mapagpanggap, namamalinis at painosente.”

“dahil responsibilidad nyo paano magpalaki ng anak— at ang mga desisyon nya sa buhay-kahit siya pa ang may hawak, KAYO ANG PINAKA MAY IMPLUWESYA. hindi ako.” dagdag nito.

Naulit ‘to sa isa pang netizen.

Sagot ni Yap, magkaroon ng responsibilidad ang mga magulang na ipaliwanag ang mga ganitong sensitibong bagay sa mga anak.

“KAYA MONG GAWIN PERO DI MO KAYANG IPALIWANAG. Ang ikinahihiya—di ginagawa. sana matalino ang mga anak mo— para maipaliwanag nila sa mga magiging anak nila.” banggit ni Yap.

Darryl Yap/Facebook
Kahit mismong ang star ng pelikula na si Janno Gibbs ay pinaalalahanan ang lahat na ‘di pang-bata ang pelikula.
Ipapalabas na ang “69+1” starring Janno Gibbs, Maui Taylor, at Rose Van Ginkel sa Vivamax ngayon September 03, 2021. Directed by Darryl Yap.

For more updates about your favorite Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments