Paparating palang ang ‘Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar’ ngayong January 29 sa sinehan at sa Vivamax ay ipinaalam na agad ng Direktok ng pelikula na si Darryl Yap na magkakaroon ng part 2 at part 3 ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)

Sa katatapos lang na Digital Media Conference ng ‘Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar’ ipinaliwanag ni Yap na trilogy talaga ang pelikula. Dahil titignan nito ang kwento ng iba’t-ibang anggulo sa pagiging sexy star sa panahon ngayon kung kailan ang adult material ay mas accessible na.

“This is actually a trilogy ‘no. The reason why tatlo yung upcoming (AJ, Rose and Ana) there’s a reason behind it,”

Ayon pa sa Direktor hindi pornstar sina Alma Moreno, Ara Mina, Maui Taylor and Rosanna Roces kundi mga sexy star.

“That’s the premise of it, ayaw na nila magintroduce ng sexy star dahil tapos na yung panahon na ‘yon. They will be coming up with a porn film but with the high caliber acting style,” sagot ni Yap sa tanong kung bakit tungkol sa pornstar ang titulo ng pelikula.

Share pa ni Yap na ang mga tanong tulad ng “wala bang ibang dadagdag na sexy star?” at “wala ba silang counterpart na male sexy stars?” ay dapat abangan sa part 2 at part 3.

Mapapanood na ang ‘Paglaki Ko Gusto Ko Maging #Pornstar’ ngayong January 29, 2021 sa Vivamax! For only P149, may isang buwang subscription kana na sa buong platform.

Panoorin ang full trailer:

For more updates, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

 

Facebook Comments