Nasa gitna ‘man ng pandemic ang bansa, tuloy-tuloy pa din ang media giant, Viva Entertainment Inc., sa paggawa ng mga entertaining content na mapapanood ng lahat. Dahil din sa mga exciting projects na ‘to, magtatambal ang ilan sa mga sought-after actors and actresses ng bansa.

Syempre following health and safety protocols tulad ng regular swab tests at locked-in shootings.

Nakaka-excite makita ang loveteams na ‘to on-screen soon! Alamin kung sino-sino sila below:

Bea Alonzo at Alden Richards

Bago pa ang nakakagulat na network transfer ni Bea Alonzo sa kabilang istasyon, kasado na pelikula nito na “A Moment To Remember” ang PH adaptation ng isang sikat na Korean film kasama si Alden Richards. Ang pelikula ay magiging collaboration ng Viva Films at GMA.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez

Ang mag-first love na si Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez ay magkakaroon ng reunion movie entitled “Deception” sa direksyon ni Joel Lamangan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto)

Kim Molina at Jerald Napoles

Natuwa ang lahat ng nagkaroon ng maayos na tambalan ang real life couple na si Kim at Jerald o KimJe sa “Ang Babaeng Walang Pakiramdam”. Pero kung bitin ka pa, abang-abang nalang dahil muli magbibida ang dalawa sa isang bagong Viva film “Ikaw At Ako At Ang Ending” ni Direk Irene Villamor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Molina (@kimsmolina)

Kylie Verzosa at Albert Matinez

Isang sexy tambalan naman ang makikita natin na gagawin ni Kylie Verzosa kasama si Albert Martinez sa PH adaptation ng “The Housemaid”.

Jennylyn Mercado at Xian Lim

Isang series naman pagbibidahan ng fresh tambalan ni Jennylyn at Xian. Ayon sa mga report, magsisimula ang taping sa susunod na buwan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jen Mercado (@mercadojenny)

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Sharon Cuneta at Marco Gumabao

Syempre, hindi pwedeng hindi isama ang iconic tambalan ni Marco at Sharon na binansagang “CuBao”. Bibida ang dalawa sa “Revirginized” ni Darryl Yap ngayong August 6, 2021 sa Vivamax!

For more updates about Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments