Iba din ang journey ni Popstar Royalty Sarah Geronimo to stardom!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gela Laurel Stehmeier (@gelalaurel)

Tunay na rags-to-riches ang story nito, mula sa pagiging frequent kontesera sa mga singing competition nahanap nito ang break na inaasam sa “Star For A Night” noong 2003. Simula noon, sunod-sunod na ang oppurtunities para sa Popstar Royalty.

Fast forward ngayon, isa si Sarah Geronimo sa in-demand entertainers sa showbiz! Ang kaniyang mga kanta ay maririnig kahit saan, kinakanta at sinasayaw ng lahat.

Sa social media naman, ano ‘man ang kaniyang activity ay suportado ng kaniyang loyal fans. Isa din ito sa pinaka-active na fandom ngayon sa social media.

Ngayon nga, ang dating kontesera ang siya nang humuhubog sa mga susunod na icons ng bagong henerasyon.

Sa isang reality singing competition napatunayan na isang magaling na coach din ito! Ayon sa show kung saan ito voice coach, si Sarah ang may winning streak.

“Naka-ilang panalo na ‘yan. Wag kang mag-sorry sa kaniya,” biro pa nga ni Lea Salonga noon sa show.

Ano bang susunod kay Sarah G? Ayon dito gusto niyang patuloy na mag-improve bilang isang performer!

“Ayaw ko po na maging stagnant ako as an artist. I want to know for myself kung ano pa ang kaya kong gawin. Kung meron pa ba kong kayang ma-ibigay na bago.” sagot nito.

For more updates about Sarah Geronimo and other Viva artists, follow Viva Entertainment on FacebookTwitter, and Instagram.

Check out other stories:

Facebook Comments