Malayo sa mahinhin na beauty queen aura ni Cindy Miranda ang kanyang upcoming role sa psychological erotic thriller na “ADAN”, na isinulat ni Yam Laranas at dinirek ni Roman Santillan Perez Jr.

Gaganap si Cindy bilang “Marian”, ang matalik na kaibigan ni “Ellen” na ginagampanan naman ng kapwa bida na si Rhen Escaño. Nais ni Ellen (Rhen) na makawala sa mapait niyang buhay kasama ang ama, kaya naman tutulungan siya ni Marian (Cindy). Hangang saan nga ba ang kayang gawin nina Marian at Ellan para sa pag-ibig?

Love, lust, at lies ang temang iikutan ng “ADAN” na ipapakita ang espesyal na ugnayan  nina “Marian” at “Ellen”. Kakaiba ang tema ng pelikula at mapangahas ang magiging role nina Cindy at Rhen kaya naman inaabangan na ito ng lahat!

Bago siya bumida bilang ang mapagmahal na si “Marian”, pinatunayan ni Cindy na karapat-dapat talaga siya para sa role na ito!

Panoorin ang Casting Couch ni Cindy Miranda down below:

“ADAN” will be showing on November 20 in cinemas nationwide!

Hindi pa napapanood ang trailer? Check it out down below:

Facebook Comments