Kagabi February 5, 2020, ginanap ang “On Vodka, Beers, and Regrets” Premiere Night sa Ortigas Cinemas! Present ang hugot tandem at bida na sina Bela Padilla, JC Santos, at ang writer/director ng pelikula na si direk Irene Villamor.

 

 

Sa gitna ng pangamba ngayon dahil sa kasalukuyang novel coronavirus, hinimok nina Bela at JC ang moviegoers na magsuot ng mask sa kanilang panoood ng nasabing Valentine movie.

 

 

 

“Sa panahon ngayon siyempre, stay safe and be alert. But also, don’t panic. Lahat ‘to malalagpasan natin,” ani Bela.

Puwede na kayong mag-mask din sa sinehan, okay lang din naman,” dagdag naman ni JC.

 

 

Ibinahagi ni Bela kahit siya ay naubusan ng face mask!

 

“Nag-shooting ako sa Subic, walang [mabiling] face mask. Nag-shoot ako dito sa Manila, walang face mask. Kahit saan ako tumingin, medyo sold out siya,” sabi ni Bela.

 

 

Kaya sa fans na susugod at pipila simula bukas sa mga sinehan, huwag kalimutan ang inyong mga face masks!

 

“On Vodka, Beers, and Regrets” showing na bukas February 5, 2020 in cinemas nationwide!

 

Facebook Comments