Kilala sina Bela Padilla at JC Santos sa pagiging hugot tandem sa pelikula. Kapag sila ang nagtambal, hindi ka lang kikiligin. Masasaktan ka rin.

 

Taong 2017 nang unang magtambal sina Bela at JC sa blockbuster hit na “100 Tula Para Kay Stella” na kalahok noon sa Pista ng Pelikulang Pilipino. Nang sumunod na taon, muli silang nagpakilig at nagpakirot sa puso ng movie goers sa entry na “The Day After Valentines”.

 

 

Ngayong 2020, muling magbabalik on the big screen ang hugot tandem para sa Valentine movie na “On Vodka, Beers, and Regrets” na written and directed by Irene Villamor. Si Direk Irene ang writer at director ng award-winning at highly-acclaimed films na Camp Sawi,” “Meet Me in St. Gallen,”, “Sid & Aya: Not a Love Story,” at “Ulan”.

 

Instagram/ayrin

 

Sa isang interview, umamin si JC na noon ay na-fall siya kay Bela! Nang tanungin naman kung bakit hindi niya pinormahan si Bela noon, sagot ni JC.

Ang pinaka importante po sa akin yung working relationship namin ni Bela. At sa lahat [ng pelikulang nagawa namin], ayokong magbago yung nararamdaman namin sa isa’t-isa tuwing magkatrabaho kami, tuwing magkasama kami.

Nagulat naman si Bela at sinabing baka nagkasalisi sila ni JC ng feelings.

“Sinarili po niya, kasi ngayon ko lang nalaman. Nakaka-shock po pala tong press con na ‘to,” sagot ni Bela sa press matapos ang rebelasyon ni JC.

“Feeling ko salisi kami ni JC. Yun na lang… Baka mali kami ng tyempo sa isa’t-isa. Ang mas madali na magka-trabaho lang kami,” dagdag ni Bela na inalala ring celebrity crush pala siya ni JC noong nagsisimula pa lang ito sa industriya.

 

Gusto niyo pa ba ng bukingan? Panoorin sina Bela, JC, at Direk Irene as they play NEVER HAVE I EVER in the video below!

 

 

On Vodka, Beers, and Regrets opens on February 5, 2020 in cinemas nationwide!

On Vodka, Beers, and Regrets FULL TRAILER [in cinemas FEBRUARY 5]

The Hopeless meets the Romantic sa isang pelikulang lakas tama.From the writer and director of the blockbuster hugot movies, "Camp Sawi," "Meet Me in St. Gallen," and "Sid & Aya: Not a Love Story," Irene Villamor, comes a tale of love and hope this Valentine's season. On Vodka, Beers, and Regrets. Starring JC Santos and Bela Padilla. In cinemas February 5, 2020.#OnVodkaBeersAndRegretsTrailerOST: "Mundo" performed by Raphiel Shannon of Viva Records.Out now in all digital music platforms!Stream HERE: https://open.spotify.com/album/5TIjqoYtKzeajYUxbXDhhY

Posted by VivaEntertainment.ph on Wednesday, January 15, 2020

Facebook Comments