Sa ginanap na “On Vodka, Beers, and Regrets” Media Con nitong January 16 sa Tipsy Pig Timog, present ang lead stars na sina Bela Padilla at JC Santos kasama ang writer at director ng pelikula na si direk Irene Emma Villamor.

Masayang nakipagkwentuhan sa press ang tatlo tungkol sa pelikula. Hindi rin inaasahan ang pag-amin ni JC na minsan na siyang na-fall noon sa kaibigan at ka-loveteam na si Bela!

 

“Sinarili po niya, kasi ngayon ko lang nalaman. Nakaka-shock po pala tong press con na ‘to,” sagot ni Bela sa press matapos ang rebelasyon ni JC.

Nang tanungin naman kung bakit hindi niya pinormahan si Bela noon, sagot ni JC.

Ang pinaka importante po sa akin yung working relationship namin ni Bela. At sa lahat [ng pelikulang nagawa namin], ayokong magbago yung nararamdaman namin sa isa’t-isa tuwing magkatrabaho kami, tuwing magkasama kami.

Sa hiwalay na interview sa Media Con, muling nagbigay ng pahayag si Bela sa pag-amin ni JC.

“Feeling ko salisi kami ni JC. Yun na lang… Baka mali kami ng tyempo sa isa’t-isa. Ang mas madali na magka-trabaho lang kami,” sabi ni Bela na inalala ring celebrity crush pala siya ni JC noong nagsisimula pa lang ito sa industriya.”

Check out the interview below!

Ibang klase ang chemistry at kilig ng dalawang ito!
Sa Media Con parin, tinanong ang dalawa tungkol sa mga memorable inuman moments nila. Pag-bunyag ni Bela, may pagkakataong napasubo siya sa manual na kotse nang minsang malasing si JC at ipinagdrive niya ito!

 

 

 

“On Vodka, Beers, and Regrets” is showing on February 5, 2020 in cinemas nationwide!

Facebook Comments