Gumawa ng ingay sa international film festivals ang latest movie ni Bela Padilla na ‘Mañanita’ written by Lav Diaz and directed by Paul Soriano. Ito ay isang co-production ng Ten17p at Viva Films.

 

Si Bela Padilla ay isang versatile actress at writer.

Instagram/@justinenavato

Ilan sa mga blockbuster films na pinagbidahan niya ay Camp Sawi (2016), 100 Tula Para Kay Stella (2017), at Meet Me in St. Gallen (2018). Siya rin ang nagsulat ng pelikulang Last Night (2017) na pinagbidahan ni Toni Gonzaga at Piolo Pascual.

Instagram / bela

Ngayong darating na December, back to back ang movie projects ni Bela! Sa darating na December 4, ipapalabas na ang ‘Mañanita’ sa Philippine cinemas.

Instagram / ten17p

Kasama rin si Bela sa 45th Metro Manila Film Festival Entry na ‘Miracle in Cell no.7’, kung saan makakasama niya ang veteran actor na si Aga Muhlach, child actress na si Xia Vigor, at iba pang mahuhusay na aktor sa industriya.

In an interview, Bela was asked if she thinks that Philippine cinemas is dying in the country.

Instagram / ten17p

“I really honestly strongly disagree.” sagot ng ‘Mañanita’ star. “Some movies talaga are meant for some certain people, mainstream movies are meant for more people. We’re not naman trying to sell this as a mainstream film.” she added.

Instagram / bela

Masaya ring ibinahagi na Bela ang mainit na pagtanggap ng Japanese audience sa Filipino films na kabilang sa ginanap na Tokyo International Film Festival. “In Tokyo, most of the movies were Filipino. We had the biggest contingency and presence in Tokyo.” ayon kay Bela.

Masaya daw si Bela na makagawa ng isang kakaibang pelikula tulad ng Mananita. Naniniwala din daw siya na eventually, magugustuhan din ng mga manonood ang mga pelikulang may variety at may ibang tema na malayo sa usual na mga pinapalabas.

Instagram / ten17p

Sinagot din ni Bela ang tanong kung bakit nga ba panay ang pag-inom ng beer ng kanyang karakter. Sa bilang ng aktres, naka 16 bottles siya ng beer sa pelikula!

Panoorin ang full interview ni Bela Padilla tungkol dito sa video below:

 

Abangan si Bela Padilla sa pelikulang ‘Mañanita’, showing na on December 4 in Philippine cinemas!

Watch the trailer below:

Facebook Comments