The Hopeless meets the Romantic sa highly-anticipated Valentine movie ng taon na “On Vodka, Beers, and Regrets” starring the hugot tandem Bela Padilla and JC Santos!

 

Ang blockbuster at award-winning writer/director ng “Camp Sawi,” “Meet Me in St. Gallen,” and “Sid & Aya: Not a Love Story,” at “Ulan” na si direk Irene Emma Villamor ang director ng pelikula.

 

Present ang tatlo sa ginanap na “On Vodka, Beers, and Regrets” Media Con nitong January 16, 2020 sa Tipsy Pig Timo, kung saan nakipag-kwentuhan sila sa mga miyembro ng press!

Ito na ang ikatlong hugot movie nina Bela at JC.

Matatandaang unang nang nagkasama ang dalawa sa blockbuster hits na “100 Tula Para Kay Stella” (2017), “The Day After Valentines” (2018) bilang magka-loveteam, at sa 45th Metro Manila Film Festival entry at highest-grosser na “Miracle in Cell No.7”.

 

Instagram/bela

 

 

 

 

Inilarawan ng “On Vodka, Beers, and Regrets” stars kung ano ang kaibahan ng pelikulang ito sa mga pelikulang napagbidahan na nila noon.

 

 

“Nung sa dalawang pelikulang [ginawa] namin, lagi silang nakakaramdam ng sakit, ng hapdi. So I think eto na yung pinakamasakit,” paglalarawan ni JC.

 

 

 

Ikinumpara naman ni Bela sa pagpapa-tattoo ang tandem nila ni JC!

 

 

“Tsaka feeling ko yung tandem namin [ni JC] yung sakit niya, parang nagpapa-tattoo ka, babalik ka nang babalik. So alam ko gano’n yung pain na sine-serve namin palagi,” dagdag ni Bela.

 

 

Mapapanood na ngayong February 5, 2020 ang “On Vodka, Beers, and Regrets” in cinemas nationwide!

Facebook Comments