Hindi makakaila ang onscreen chemistry nina Bela Padilla at JC Santos!

Instagram/ bela

Nakakabilib ang professionalism at kakaibang pagpapakilig ng dalawa sa mga pelikulang pinagbidahan nila!

Instagram/bela

 

Taong 2017 nang unang magtambal onscreen sina Bela at JC sa movie na ‘100 Tula Para Kay Stella’ na directed by Jason Paul Laxamana. Parte ang pelikula ng Pista Ng Pelikulang Pilipino at naiuwi ang ‘Audience’s Choice Award’.

Nang sumunod na taon, kabilang ulit ang unbeatable duo sa PPP at bumida sa entry na ‘The Day After Valentine’s’ isinulat at idinirek muli ni Jason Paul Laxamana.

Back to back box office success ang team up nina Bela at JC, at naiwui ulit nila ang ‘Audience’s Choice Award’ mula sa nasabing festival!

Ngayong 2020, muling magtatambal sina Bela at JC sa pelikulang siguradong magpapakilig at mananakit na naman sa ating mga puso!

 

Nitong Biyernes January 3, inilabas na ang teaser ng ‘On Vodka, Beers, and Regrets’ starring Bela Padilla and JC Santos! As of writing, umabot na sa mahigit 3 million views ang teaser nito!

Ipinost ng dalawa sa kanilang mga Instagram accounts ang teaser with the caption “Siya ulit. Ako ulit. Oo. Masakit ulit.” 

Panoorin anng teaser down below:

On Vodka, Beers, and Regrets [February 5, 2020]

Si Bela. Si JC. Ulit. Oo. Masakit ulit.February 5, 2020Watch the teaser on YouTube here: https://youtu.be/KLDWL6IszOE

Posted by VIVA Films on Friday, January 3, 2020

Ang ‘On Vodka, Beers, and Regrets’ ay directed by award-winning ‘Ulan’ director Irene Villamor at ipapalabas sa mga sinehan sa darating na February 5, 2020!

 

 

Bumibida rin sa 45th Metro Manila Film Festival entry at Filipino remake na ‘Miracle in Cell No.7’ sina Bela at JC!

Habol na sa mga sinehan dahil huling dalawang araw nalang!

Facebook Comments