Ibang klase talaga ang unexpected movie loveteam na sina Bela Padilla at JC Santos. Gumawa ng marka ang dalawa bilang isang hugot tandem, na nagpapakilig at nananakit ng moviegoers!

 

Instagram/bela

 

Unang nagtambal sina Bela at JC sa box-office hit at 2017 Pista ng Pelikulang Pilipino entry na “100 Tula Para Kay Stella”.

 

 

 

 

Nang sumunod na taon, naghandog muli ang hugot tandem ng isang hindi malilimutang entry na “The Day After Valentines”.

 

 

 

 

Ngayong 2020, muling ipaparamdam nina Bela at JC ang kakaibang chemistry at husay nila sa kanilang upcoming film na “On Vodka, Beers, and Regrets”. Trailer pa lang ng pelikula, siguradong papakiligin at papaiyakin na naman ng dalawa ang fans ngayong Valentines!

 

 

Instagram/ayrin

 

Hindi man real life lovers, napaka-effective parin nina Bela at JC bilang magkatambal. Nagkaroon na kaya ng pagkakataon na nadala sila ng kanilang emosyon at kinilig sa isa’t-isa?

 

 

Sa kanilang kwentuhan at chillnuman, inamin ng dalawa na totoong kinikilig sila sa mga eksena! Alamin ang ilan pang revelations nina Bela at JC in the video below:

Kwentuhan at Chillnuman with Bela and JC! #OnVodkaBeersandRegrets

Kwentuhan lang, walang lasingan kasama sina JC and Bela dito sa chillnuman session with the stars of On Vodka, Beers, and Regrets! From career hanggang estado ng mga puso nila, JC and Bela go all out!Malapit na! #OnVodkaBeersandRegrets mapapanood na ngayong Feb. 5!

Posted by VIVA Films on Thursday, January 23, 2020

 

“On Vodka, Beers, and Regrets” directed by Irene Villamor is showing on February 5, 2020 in cinemas nationwide!

 

Facebook Comments