Umani ng mga positive reviews ang bagong dog movie ni Sarah Geronimo na pinamagatang Unforgettable. Marami ang naiyak, natawa, at naantig sa kwento ng paglalakbay nina Jasmine at Milo at sa nakakabilib na performances ng cast. Marami rin ang humanga sa natatanging pagganap ng Asia’s Popstar Royalty bilang isang mabait at mapagmahal na apo at kapatid. Dahil sa mga feedback na natatanggap nitong mga nakaraang araw, talagang hindi maikakaila na pinagpaguran at puspusang pinagtrabahuhan ang pelikulang ito.

 

Naging buhay na buhay ang proseso ng paggawa ng nasabing pelikula ayon kina Direk Jun Lana at Direk Perci Intalan. Sinigurado ng award-winning directors na mananatiling totoo sa kwento ang pelikula.

 

 

Naging mas nakakaantig ang kwento ng pelikula dahil sa mapusong pagganap ni Sarah G bilang Jasmine. Ayon kay Sarah, nakakarelate siya sa character ni Jasmine kaya talagang ganoon na lang ka-natural ang ating Popstar Royalty sa kanyang mga eksena. Dala-dala niya ang kanyang labis na pagmamahal sa pamilya at ang kanyang pagiging masayahin sa bawat pagbato niya ng linya ni Jasmine.

 

 

Nakadagdag pa sa pagiging genuine ng pelikula ang pagiging malapit ng mga cast sa isa’t isa. Kitang-kita sa likod ng camera kung gaano nila na-enjoy ang kanilang mga shoot.

 

 

Anything made out of love and passion is nothing short of extraordinary. True enough, naging tunay na unforgettable nga ang pelikulang ito hindi lang para sa mga dog lovers, kung hindi para na rin sa mga nagmamahal at patuloy na naniniwala sa kabutihan. 

 

Watch the Behind-the-scenes of Unforgettable here:

 

Unforgettable is showing in cinemas nationwide. 

Facebook Comments